Siyam na katao na umano’y tulak ng ilegal na droga ang napatay makaraang manlaban sa buy–bust operation sa magkahiwalay na barangay sa Quezon City, sa buong magdamag.

Sa report ni Quezon City Police District Director Police chief Supt. Guilor Lorenzo T. Eleazar kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Police Director Oscar Albayalde, kinilala ang mga napatay sa engkuwentro sa Barangay Bagbag Novaliches na sina Reymart Mendoza, alyas “Bulataw”; at Macho Manlayno, alyas “Kim” na kapwa hinihinalang tulak ng shabu.

Dakong 12:00 ng hatinggabi, ikinasa ang buy-bust operation laban kina Kim at Bulataw sa Maligaya Street, Bernardo Subdivision, Bgy. Bagbag, Quezon City.

Napatay din sa isang buy-bust operation sina Ryan Trinidad, 34; Mark Pidlawan, 26; Richard Roque, 39; at dalawa nilang kasama na inilarawang nasa edad 30-35, 5’5” at 5’4” ang taas, pawang nakasuot ng pantalon, kayumanggi at katamtaman ang pangangatawan.

VP Sara, FPRRD, pinilahan umano ng 40,000 katao sa kanilang Pamasko sa Davao City

Samantala, kinumpirma naman ni Police Supt. Rolando Balasabas ng Cubao Police Station 7 ang pagkamatay ng dalawa umanong tulak ng shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Benitez St., Bgy. San Martin De Porres, Cubao, dakong 2:30 ng madaling araw kahapon.

Kinilala ang mga nasawi na sina Rodolfo Odtuhan, alyas “Tsokoy”, 35, ng San Martin De Porres at “Cris”. (Jun Fabon)