CORY AT MEGAN LANG_please crop copy

NAGBITIW na si Cory Quirino bilang Philippine licensee holder ng Miss World Philippine pageant sa “personal and business reasons”.

Ipinasa kay Arnold Vegafria, dating business partner ni Cory, ang local franchise ng Miss World Philippines contest.

Naitalaga si Cory sa posisyon simula 2011 hanggang 2016.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Talent manager din si Arnold ng mga kilalang celebrity sa bansa tulad nina Kuh Ledesma, Billy Crawford, John Prats, Camille Prats, Carla Abellana, Enzo Pineda, Nikki Gil, Iya Villania, at iba pa.

Si Cory ang nasa likod sa pagkakapanalo ng unang Miss World crown ng Pilipinas na naiuwi ni Megan Lynne Young pagkaraan ng 63 taon.

“I treasured my journey with Miss World Philippines. My singular pursuit was to win the elusive blue crown of Miss World in order to make millions of pageant fans happy. And it was done,” aniya

Kabilang sa mga accomplishment niya ang 2011- Gwendolyn Ruais, 1st runner-up; 2012-Queenirich Rehmann, Top 8; 2014- Valerie Weigmann, Top 25; 2015- Hillarie Parungao , Top 10; at 2016- Catriona Gray, 4th runner up sa Top 5.

Inihayag niya na kanyang ipagpapatuloy ang kanyang biggest passion – ang pagpo-promote ng health and wellness sa buong bansa gamit ang iba’t ibang media platform.

“Time to focus on my national wellness advocacy to make our fellow countrymen return to natural health and healing.

It is time to move on,” ani Cory.

Bilang kilalang social advocate para sa corporate social responsibility, ang kanyang mga advocacy ang kanyang pagtutuunan ng pansin tulad ng civic leadership sa Rotary International District 3830, pagtulong sa Red Cross Muntinlupa bilang director, ang indigent patient care sa tulong ng Philippine General Hospital Medical Foundation, pagpapabuti ng buhay ng mga batang kalye sa Tuloy Foundation at katarungan para sa mga babaeng biktima ng karahasan sa ilalim ng Violence Against Crime and Corruption bilang Vice-President.

Nakalatag na rin ang kanyang mga plano sa paglulunsad ng sariling brand ng Filipino wellness at beauty products.

(ROBERT R. REQUINTINA)