Hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 10 kasaping bansa ng Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) na pag-alabin ang diwa ng samahan upang mapagtagumpayan ang mga hamon sa rehiyon.
Ito ang mensahe ni Pangulong Duterte sa pormal na paglulunsad ng chairmanship ng Pilipinas sa ASEAN 2017 sa Davao City noong Linggo.
“Now, more than ever, it is ASEAN’s spirit of community that will enable us to overcome challenges that we face as a region,” ani Pangulong Duterte.
Hinimok din ni Pangulong Duterte ang Dialogue Partners tulad ng United States, China, Japan at South Korea na patuloy na suportahan ang ASEAN para mapanatili ang seguridad, katatagan at pag-unlad ng rehiyon.
“We will steer ASEAN toward the strengthening of relations and more meaningful and constructive engagements with our Dialogue Partners,” ani Duterte.
Inilatag ni Duterte ang limang prayoridad ng ASEAN sa ilalim ng Pilipinas: “[placing] our peoples at the core; work for regional peace and stability; pursue maritime security and cooperation; advance inclusive, innovation-led growth; strengthen ASEAN resiliency; and promote ASEAN as a model of regionalism and as a global player.”
Nanawagan din si Duterte ng tulong mga Pilipino para maisatuparan niya ang mga hakbangin para sa ikabubuti ng ASEAN. (Beth Camia at Antonio L. Colina IV)