TARGET ng Barangay Ginebra na tratuhin ang huling tatlong laro sa elimination ng OPPO-PBA Philippine Cup bilang do-or-die game.

Ayon kay coach Tim Cone, mataas ang pagtingin ng mga tagahanga sa Kings sa Season 42 opener matapos nilang magkampeon noong nakaraang Season 41 Governors Cup.

Ngunit, bigo silang mapanindigan ang asam ng sambayanan bunsod ng mababang kampanya. Tangan ng Ginebra ang 4-4 karta.

Muntik mag-suntukan! Beermen vs Taoyuan, nagkainitan sa PBA-EASL

“We had really high expectations for ourselves coming from a championship. So when we have expectations and we don’t meet them, we get a little frustrated and get a little upset,” pahayag ni Cone.

“For us, we have to keep on moving and keep moving forward and put that behind us. When we make a bad mistake, keep playing forward.”

Sa kanilang huling panalo kontra Meralco sa Iloilo City, nilimitahan nila ang Bolts sa 27 puntos lamang sa second at third period makaraang hayaan nilang umiskor ang mga ito ng 23 puntos sa first quarter para maiposte ang 83-72 panalo na nag- angat sa kanila sa standing.

Ayon kay Cone, naniniwala siya na mayroong “sense of urgency” ang Kings sa kanilang laro at nais nyang makita ang parehas na intensity patungo sa huling tatlong laban sa elimination round.

“No doubt, these games are playoff games for us. If we don’t do well in these games, we don’t have a chance for the playoffs.”

“We have Blackwater, Phoenix, and NLEX in our last three games. So, if we can get at least two out of three of those, we are going to be in good shape, we can have a good chance. But if we can run the table and get all three of them, that will be fantastic and give us momentum getting into the playoffs,” ayon kay Cone.

At sa kabila ng kanilang kinakaharap na sitwasyon, patuloy na naniniwala si Cone na isa pa ring contender ang Kings sa kasalukuyan.

“We still feel we are a championship competitor, we can contend,” aniya. (Marivic Awitan)