Mga Laro Bukas

(Filoil Flying V Centre)

9 n.u. -- AdU vs UPIS (Jrs)

11 n.u. -- UST vs Ateneo (Jrs)

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

1 n.h. -- UE vs FEU (Jrs)

3 n.h. – NU vs DLSZ (Jrs)

TINULDUKAN ng Far Eastern University-Diliman ang seven-game winning run ng Adamson University sa makapigil-hiningang 75-73 panalo sa pagsisimula ng UAAP Season 79 juniors basketball tournament second round kahapon sa Filoil Flying V Centre.

Naisalpak ni Louell Gonzales ang free throw sa huling 10.1 segundo para maibigay sa Baby Tamaraws ang winning margin.

Nabigo ang Baby Falcons na mahila ang laro sa overtime nang masawata ang kanilang final play.

Hataw si Jeffrey Sapinit sa naiskor na 24 puntos, habang tumipa si Eric Jabel ng 11 puntos para sa FEU-Diliman na umabante sa team standings sa 6-2.

Tumabla ang Adamson sa defending champion National University, nagwagi sa Ateneo, 78-71, sa liderato tangan ang parehong 7-1 karta.

Nanguna si Encho Serrano sa Baby Falcons sa nakubrang 24 puntos at anim na rebound, habang kumawala si Jason Celis sa naiskor na 22 puntos.