Nakiusap si Senator Nancy Binay sa Energy Regulatory Commission (ERC) na gumawa ng paraan upang mapigilan ang dagdag-singil sa kuryente sa Marso na epekto ng 20 araw na maintenance shutdown ng Malampaya natural gas facility.

Ayon sa Department of Energy (DoE), tataas mula P1.20 hanggang P1.50 kada kilowatt-hour (kWh) ang singil sa kuryente kapag nag-umpisa na ang maintenance shutdown sa Enero 28 hanggang Pebrero 16.

“I commend the initiative and foresight of all stakeholders in the power industry and their willingness to protect the interest of the ordinary Filipino consumer. But more than this, I suggest that we also have customers pay their power bills in tranches to lessen their household expenditures,” sambit ni Binay.

Nagsampa na ng staggered payment application ang Manila Electric Company (Meralco) sa Energy Regulatory Commission (ERC) kaugnay nito.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

“The ERC should also look for customer rebates that can be applied during the period of the rate increase to offset or, at least, minimize what consumers will spend for their electricity bills,” dagdag pa ni Binay.

(Leonel M. Abasola)