Si Bishop Oscar A. Solis ang magiging unang Pilipino at Asian na mamumuno sa isang diocese sa United States matapos ipahayag ng Vatican ang kanyang bagong assignment nitong linggo.
Kasalukuyang auxiliary bishop ng Archdiocese of Los Angeles, si Solis ay magsisilbi bilang ika-10 obispo ng Diocese of Salt Lake City sa Utah, kapalit ni Bishop John Charles Wester, na inilipat sa Archdiocese of Santa Fe, N.M. noong Abril 2015, iniulat CBCP News.
Isinilang si Solis sa San Jose City, Nueva Ecija, noong Oktubre 13, 1953. Naordinahan siya bilang pari ng Diocese of Cabanatuan noong Abril 28, 1979. Noong 2003, siya ang naging unang Pinoy na itinalagang obispo sa United States nang pangalanan siyang auxiliary ng Archdiocese of Los Angeles ni Pope John Paul II. (Christina I. Hermoso)