UMAATIKABONG aksiyon ang pangakong hatid ng mga kalahok sa paglarga ng 2017 World Pitmasters Cup 9-Cock International Derby simula bukas sa Newport Theater Vestibule, Resorts World – Manila.

Rambulan ang mga foreign at lokal sabungero para sa guaranteed P15 milyon na premyo sa torneo na tatampukan ng pinakamahuhusay na breeder sa bansa at abroad.

“The best of the best are expected here. Maraming mahuhusay na entry kaya tiyak na rambulan ang aksiyon,” pahayag ng sponsor at host na si Charlie ‘Atong’ Ang.

Sa isinagawang media conference kahapon, nakiisa sa programa sina 2013 Ms. International Bea Santiago, Bb. Pilipinas Universe 2014 MJ Lastimosa at Bb. Pilipinas Universe 2013 Ariella Arida.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Itinataguyod ng Thunderbird Power Feeds, Resorts World – Manila at Warhawk, itatanghal ang mga dayuhan at mga lokal na mga kalahok sa pandaigdigan labanan na inaasahan magbabago sa kasaysayan ng sabong sa Pilipinas.

Ang mga bisita ay kinabibilangan ng mga Amerikanong sina Nathan Jumper, Norman Blount, Norman Rockwell ng Tennessee, William Nall ng Kentucky, Bruce Brown, Wilbert LeBlanc ng Louisiana, Richard Harris, Joe Brown, Phil Snead ng Tennessee, Scooter Belk – son of Howard Belk at Carol Nesmith ng Alabama.

Tampok din sina Victor Negrete & David Salvatierra ng Peru; Mr. & Mrs. Antonio Calvo Romero ng Espanya na maglulunsad ng kanyang libro sa 4th International Gamefowl Festival (Jan. 13-15 SMX Convention Center) at mga ginoong sina Sergio Garza, Elias Trevino at Elias Trevino, Jr.

Mula sa Saipan si Ray Roberto, samantalang kakatawan naman sa Guam si Peter Elm at mga kasama. Idagdag pa sina Guo Tuong at 20 pang Vietnamese at mga Indonesian at Thai cockfighters.

Nakatakda sa Enero 15 – 21 sa Newport Theater of Performing Arts, Resorts World – Manila, ang 2017 World Pitmasters Cup 9-Cock Invitational Derby ay sama-samang pasabong nila Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, Gov. Eddiebong Plaza at RJ Mea, sa pakikipagtulungan nina Eric dela Rosa at Ka Lando Luzong.

Sa kasalukuyan, may 274 entries na ang siguradong kasali na maari pang madagdagan.

Ang laban sa Enero 15 (1st day of elims – first batch) at sa Enero 16 (2nd day of elims - second batch) ay magsisimula ng ika-sampu ng umaga.

Magpapatuloy ang umaatikabong paluan sa Enero 17 - 3cock semis 1st set (all entries qualified) * Enero 18 -3cock semis 2nd set (all entries qualified) * Enero 19 - 4cock finals 1st set (2 pts. - 4 pts.) * Enero 20 - 4cock finals 2nd set (2 pts. to 4 pts.) * Enero 21 - 4cock grand finals (4.5 & 5 points)