LOS ANGELES – Pinili si Jim Furyk nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila) bilang US captain para sa 2018 Ryder Cup sa France kung saan tatangkain ng American na makopo ang titulo sa kampo ng European team sa unang pagkakataon makalipas ang 25 taon.

Walang naging hadlang sa pagkakapili kay Furyk ng Ryder Cup committee.

Inaasahang madadala ng dating US Open champion sa koponan ang malawakna karanasan sa torneo. Naglaro siya ng siyam na sunod na taon sa Ryder Cup mula noong 1997. Naging assistant siya ni Davis Love III sa nakalipas na taon sa Hazeltine.

“He’s going to be a very tough act to follow,” pahayag ni Furyk, patungkol sa kanyang bagong responsibilidad.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“He put a system in place. He put the players behind it. It won’t make my task easier, but it makes it easier knowing there is a system in place. To have him by my side — his advice, his experience, two captaincies and one vice captaincy — is going to be priceless for me.”

“Our team hasn’t won in 25 years — I’ve heard that a lot today. But I view it as an opportunity. It’s exciting, and it’s a new day and age for the U.S. Ryder Cup team. We have some momentum right now,” aniya.