Magsasagawa ng kani-kanilang imbestigasyon ang Quezon City Police District (QCPD) at National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa pagpatay sa Quezon City prosecutor.

Agad ipinag–utos nina QCPD director Police chief Supt. Guilor Lorenzo T. Eleazar at Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) at NBI, ayon sa pagkakasunod, ang pagsasagawa ng masusing imbestigasyon sa pagkamatay ni Noel Mingoa ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC).

Base sa report, dakong 1:20 ng madaling araw kahapon binaril at pinatay si Mingoa sa tapat ng isang resto bar sa Commonwealth Avenue, Barangay Old Balara, Quezon City.

Ayon sa isang testigo, ayaw magpabanggit ng pangalan, may kausap ang prosecutor sa kanyang cell phone nang malapitan itong barilin ng isang lalaking bumaba mula sa isang itim na kotse. (Jun Fabon at Beth Camia)

National

Lone bettor panalo ng ₱107.8M sa Lotto 6/42