MAPAPANOOD ang husay at katatagan ng mga premyadong international kiteboarders sa paglarga ng Palawan Kite Open sa Pebrero.
Nakatakda ang qualifying event sa Blue Palawan sa Puerto Princesa sa Pebrero 6-7 sa pamosong Kite Park League Tour.
Kabilang sa aabangan sina International rider Eric James Rienstra ng USA, Switzerland’s Manuela Jungo, UK’s James Boulding at pambato ng bansa na si Paula Rosales.
Pormal na inilunsad ang torneo sa ginanap na press conference nitong Martes sa Handle Bar sa Makati City.
“It’s perfect for kiteboarding. Blue Palawan is essentially a giant swimming pool with wind!” sambit ni Rosales.
Ang Kiteboarding ang pinakabagong sports na pinauso sa Palawan. Halos katulad nito ang wakeboarding, ngunit hindi gumagamit ng hydraulic cables.
Ayon kay Boulding, inaasahang sasabak sa torneo ang mga riders mula sa 15 bansa.
“The level is getting higher and the fact that we are getting major sponsors speaks well of this incredible sport,” pahayag ni Boulding.
May kabuuang US$20,000 ang premyo na kaloob ng Solaire Resort and Casino, the Razon Group at Department of Tourism.
Para sa kargdagang impormasyon, bisitahin ang www.bluepalawanopen.com.