atty-joji-direk-dan-at-yvette-copy

PALANCA awardee at kilalang blogger si Yvette Tan, ang scriptwriter ng Ilawod na kaibigan at kainuman ng direktor nito na si Dan Villegas.

Bida ng Ilawod sina Ian Veneracion, Epi Quizon, Harvey Bautista, Therese Malvar, Xyriel Manabat at Iza Calzado na mapapanood na sa Enero 18, prodyus ng Quantum Films, MJM Productions, Tuko Films at Butchi Boy Productions.

Writer ang character ni Ian na ang assignment ay tungkol sa weird news o kababalaghan tulad ng mga sinapian, nanganak ng kambing, at kung anu-ano pa. Asawa niya si Iza at anak nila si Harvey.

Tourism

World Architecture Day: Ilang makasaysayang gusali sa bansa na nananatili pa ring nakatayo

“May isang assignment siyang sinapian without knowing na sinundan siya sa bahay nila, and that’s Ilawod,” bungad ni Yvette sa pocket interview para sa pelikula last Sunday.

“Ilawod means downstream, so opposite siya ng ilaya upstreams. Iba-iba po ang meaning ng ilawod, but they all have to do with waters and distance. What I understand is, ilawod -- malayang tubig.”

Nakakagulat kung paano nakakapagsulat ng horror stories si Yvette na matatakutin pala. Aminado ang manunulat na hindi niya alam ang dahilan kung bakit katatakutan ang hilig niyang sulatin.

“Hindi ko alam, ang daming nagtatanong, pero hindi ko po alam ang sagot. Nu’ng bata ako, super duwag at utu-uto,” natawang kuwento ni Yvette.

Baka sinusunod nito ang kasabihang, ‘face your fear’ kaya enjoy siyang magsulat ng horror stories.

“I guess? I just want to write what I want to write. ‘Tapos sinabi ng friend ko dati na horror nga raw mga sinusulat ko na hindi ko pa masyadong alam noon.”

Kakaiba si Yvette, hindi siya natatakot sa mga sinusulat niyang nakakatakot, at mahilig magbasa ng mga librong nakakatakot at natatakot naman daw siya.

“Natatakot po ako kaya ayokong naiiwang mag-isa,” natawang banggit niya.

May karanasan na ba siya sa mga kababalaghang bagay?

“Hindi ko pa nagagamit ang experience ko sa mga sinusulat ko. Noong bata ako, duwag ako at uto-uto, kasi growing up, nakatira kami sa may Sta. Mesa at dahil bata, mahilig kaming tumambay sa kuwarto ng parents namin, ‘tapos every night may kakatok.

“Bilang bata, bubuksan ko ‘yung pinto, wala namang tao. Sabi ko, ‘Mom, dad, there’s no one there.’ So siyempre, mom and dad ko, alam nila kung ano ‘yun. Ako wala akong alam.

“Sabi ng nanay ko, ‘Ah, that’s just the wind, tell to go away and not to bother us.’ Sabi ko naman, ‘O, wind, don’t bother us.’

“Nu’ng lumipat kami, do’n ko lang na-realize na hindi naman kumakatok sa pinto ang hangin. Ah, multo pala ‘yon, ‘buti na lang hindi ko alam na minumulto na pala kami roon. On that house, forever akong may nightmares, parati kaming takot, pero hindi namin alam kung bakit,” pagtatapat ng dalaga.

Naniniwala siyang may white lady?

“Yes, naniniwala akong may mga things tayong hindi nakikita. Naniniwala ako sa mga element. May nagbiro na sa akin kaya naniniwala ako.

“Sa Romblon, nakitulog ako sa friend’s house, so nakatalukbong akong matulog ‘tapos nagbabasa. May nararamdaman akong nagdi-drift na parang nasa ilalim ako ng aircon, pero walang aircon sa bahay at hindi rin umuulan at dahil doon, hindi ako natulog buong gabi. Nakatapos ako ng dalawang libro sa cellphone ko. Super duwag talaga ako,” kuwento ng dalaga.

May isa pang karanasan si Yvette na pakiramdam niya ay nakulam o nabati siya sa Siquijor dahil bumili siya ng tubig sa mag-ina gayong binalaan na pala siya bago siya tumulak na mag-iingat kapag may nasalubong na mag-ina.

“Siguro hindi kulam, nabati ako. Naisip ko naman, hindi naman ako aalis ng resort, bakit ako mag-iingat sa mag-ina?

So natapos ang bakasyon, pagbalik ko ng Maynila, hindi ako makapag-type, suma-sideway ‘yung kamay ko ng ganito, parang extreme muscle spasm. Inisip ko, baka kasama sa sakit ko kasi I have muscularism, I have trouble in climbing steps, I have trouble running. Kaya kapag nagkaroon ng apocalypse, ako ang unang-unang mamatay, tanggap ko na iyon,” masayang kuwento niya.

“Kaya napaisip ako nu’ng nasa Siquijor ako na may nakita nga akong mag-ina nu’ng bumili ako ng tubig, so parang binati ako. ‘Tapos pinag-pray over ako ng friend ko, so far nawala na up to this day.”

Paborito ni Yvette ang The Others ni Nicole Kidman at ang Yanggaw ni Richard Sommes na pinagbidahan nina Joel Torre, Ronnie Lazaro, Techie Agbayani, Erik Matti at iba pa.

Kung bibigyan ng pagkakataon, gusto ni Yvette na magsulat ng seryeng nakakatakot sa telebisyon.

Nagtapos ng Film and Audio Visual Communication si Yvette sa University of the Philippines pero ayaw niyang maging direktor.

“Ayokong maging direktor, ‘yun ang na-realize ko sa film school. Kasi takot ako sa tao, mas gusto kong magsulat. Kaya ‘yung ginagawa ni Dan, saludo ako, hindi ko ‘yun kaya,” pag-amin niya.

Inamin ng scriptwriter na si Ian Veneracion ang choice niyang lead actor sa Ilawod dahil long time crush niya ito, simula pa noong Joey and Son.

Hindi siya nahiyang aminin na nasa set siya ng Ilawod para ma-check ang ginagawa ni Direk Dan at siyempre para makita na rin ang kanyang crush.

Kaya kinilig si Yvette noong malakas ang alon sa location at inalalayan siya ni Ian sa paglalakad.

“Sobrang gentleman niya!” sambit ng scriptwriter. (Reggee Bonoan)