Bagamat bumaba, “very good” pa rin ang satisfaction rating ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa huling quarter ng 2016.

Sa bagong survey ng Social Weather Stations (SWS) sa 1,500 adult respondents, 73 porsiyento ang nagsasabi na satisfied o kuntento sila sa pamahalaan, 12% ang dissatisfied o hindi kuntento, at 13% ang undecided o hindi makapagpasya.

Dahil dito, mayroong net satisfaction rating na +61 ang Duterte administration.

Mas mababa ito kung ikumpara sa third quarter SWS survey result na +66, na 75% ang nagsabing satisfied at 8% ang dissatisfied.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Isinagawa ang survey noong Disyembre 3 hanggang 6. (Beth Camia)