direk-dan-kasama-sina-atty-joji-at-yvette-tan-copy

FIRST time gumawa ni Direk Dan Villegas ng horror film, ang Ilawod na ipapalabas na sa Enero 18, at aminadong kahit nahirapan ay nag-enjoy siya.

Romantic comedy kasi ang forte ni Direk Dan, katulad ng English Only Please, Walang Forever, The Break-Up Playlist, Always Be My Maybe at How to Be Yours na blockbuster lahat.

Sa teleserye naman, naging katuwang siya ng kanyang girlfriend na si Direk Antoinette Jadaone sa On The Wings of Love at Till I Met You at sa kasalukuyang tini-tape na Ikaw Lang Ang Iibigin nina Gerald Anderson at Kim Chiu.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Kuwento ni Direk Dan, gumawa siya ng horror dahil, “Mahirap din kasi ‘yung paulit-ulit ang ginagawa mong genre.

Siyempre masarap din namang makagawa ng bago, pero nahirapan ako sa horror kasi ibang-iba sa romcom. Super nakakapanibago.”

Ano ang mahirap gawin, rom-com o horror film?

“Parehas namang mahirap, walang madali. Mas sanay lang ako sa isang genre, may kanya-kanyang difficulties. Halimbawa sa rom-com, parang maski sobrang puyat ka na lahat, you have to make it work. Halimbawa may kilig, kailangan may kilig kahit wala nang kilig na natitira, kasi nauubos din naman. But you have to make it work.

“Sa horror, ganu’n din, ‘yung timing, dapat it must be perfect from shots to the music to the action, everything,” pagkukumpara ng direktor.

Dahil challenging at nagustuhan ni Direk Dan ang horror, gusto niyang gumawa ulit ng ganitong pelikula.

Nabuo ang kuwento ng Ilawod sa inuman session nila ng kaibigan niyang writer/blogger/journalist na si Yvette Tan.

“Matagal na po kaming friends, ‘tapos nag-iinuman po kami nu’ng 2012, cinematographer pa lang ako no’n, hindi pa ako nagdidirek. Eh, kilala ko po si Yvette na magaling na writer (Palanca awardee), kaya sabi ko, ‘Gawa ka ng kuwento na gawin nating pelikula. ‘Tapos timing, si Atty. Joji (Alonso, producer ng Quantum Films), naghahanap ng fresh or something new to do. Sabi ko, gawa tayo ng horror. ‘Tapos naalala ko ‘yung pinky swear namin ni Yvette nu’ng 2012, kaya ako ang nag-recommend sa kanya kay Atty. Joji,” kuwento ni Direk Dan.

Natatawang ibinuking ni Direk Dan na lumalim ang pagkakaibigan nila ni Yvette dahil miyembro sila ng Lonely Hearts Club na idinadaan sa inuman ang pagkasawi nila sa love life.

“May sarili kaming Camp Sawi that time, 2012, maraming biktima ng relationship kaya nagkikita-kita kami sa isang lugar. A long, long time ago,” tumatawang pagtatapat ng direktor.

Pawang magagaling na artista ang bida ng Ilawod, sina Ian Veneracion, Epi Quizon, Therese Malvar, Xyriel Manabat, Harvey Bautista at Iza Calzado, kaya wala raw naging problema si Direk Dan.

“Masaya kasi at times na-feel ko na ako ‘yung inaalagaan kasi ako ‘yung bago sa genre. Pati mga bagets, ang gagaling nila. Kaya maski na were on our tight schedules, natapos naman,” sabi ni Direk.

Inabot ng twenty shooting days ang Ilawod na nagsimula noong Hulyo, pero dahil sunud-sunod ang bagyong dumating sa Pilipinas ay hindi sila umabot sa 2016 Metro Manila Film Festival.

“Nagpapakatotoo lang po, sobrang ulan, lahat ng exteriors scenes namin, hindi namin natatapos, kasi literally pinapalo kami ng bagyo. Kumonti na nga lang ‘yung exterior namin, sinadya namin kontian kasi nga rainy season ‘yung shoot namin. Wala, ilang days ‘yung na-pack up sa amin. ‘Tapos lahat ng actors may ganap, kaya ang hirap ding kumuha sa kanila ng schedule. Ulan ang dahilan kaya hindi kami nakasama,” pagtatapat niya.

Kuwento ng mga elementong hindi nakikita pero nararamdaman ang Ilawod mula sa Quantum Films, MJM Productions, Tuko Films at Butchi Boy Productions.

Ano naman ang masasabi niya sa mga napiling pelikula sa 2016 MMFF?

“Magaganda ‘yung mga pelikula, ‘yung mga napanood ko magaganda. Napanood ko Septic (Tank 2), Saving Sally, Sunday Beauty Queen, Die Beautiful saka Vince & Kath & James.

Hindi siya pabor sa mga klasipikasyong indie films at commercial o mainstream dahil pareho naman daw na pelikula ang mga ito.

“Pasong-paso na po ako sa term na indie at mainstream, kalokohan na iyon for me. Bakit kailangang maglagay ng label?

At the end of the day, ang pelikula ay pelikula regardless. Ang dapat na mas pinag-uusapan diyan, in my opinion, ay kung ‘yung pelikula ba ay is it for consumption or for discourse. So, consumption meaning, ano ba ‘yan? Rom-com ba ‘yan? Papasok ka ba para kiligin or pag-uusapan ba natin ang social issue?

“Ang maganda pa ngayon, ‘yung mga pelikula, puwede mong i-gray area, magkakaroon na lang ng labels kung ano ‘yung mas makapal. Sa akin kasi, ang point ay dapat may option ‘yung tao kung ano ang gustong panoorin.

“Okay, kung wala ako sa mood na kiligin o matawa o matakot, may ibang pelikulang puwedeng panoorin. And who’s to say na hindi ako maantig?”

Pinuri nang husto ni Direk Dan ang Sunday Beauty Queen.

“Grabee, iyakan sa sine. Who would have thought na ganu’n (kaganda) kasi docu, ‘tapos ang ganda ng approach, ang ganda ng mounting, parang ang ganda ng camera work, ang ganda ng editing. It felt like it was a mounted scene, but you’re really watching. Ang galing kasi handy cams lang gamit, na-raise ‘yung filmmaking bar kung baga. ‘Tapos paglabas ko sa sine, lahat umiiyak,” magandang pahayag ni Direk Dan. (REGGEE BONOAN)