Wala nang makapipigil sa pinaka-aabangang 2017 World Pitmasters Cup 9-Cock International Derby at uumpisahan ito sa pagkikita-kita ng mga miyembro ng sabong media at mainstream media at ng lahat ng lokal at dayuhang kalahok para sa pitong araw na grandiyosong labanan sa Enero 15-21, 2017 sa Newport Theatre of Performing Arts, Resorts World - Manila, lungsod ng Pasay.

Sa pangunguna nila Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, Gov. Eddiebong Plaza at RJ Mea at sa pakikipagtulungan nila Eric Dela Rosa at Ka Lando Luzong, ang 2017 World Pitmasters Cup ay ang pinaka prestihiyosong derby sa kasaysayan ng sabong na may mga kalahok mula Amerika, Peru, Ecuador, Mexico, Spain, Thailand, Vietnam, Indonesia, Guam, Saipan, at Hawaii.

Nakalaan ang P15,000,000.00 garantisadong premyong nakataya sa mababang entry fee na P88,000.00 at minimum bet na P55,000. Ang lahat ng sasali ay bibigyan ng isang libreng hotel room accommodation sa Remington Hotel katabi ng Resorts World – Manila.

May 2-3-4 format, ang fight schedule ay ang mga sumusunod: Jan. 15 – 2-cock elims 1st set; Jan. 16 – 2-cock elims 2nd set; Jan 17 – 3-cock semis 1st set; Jan 18 – 3-cock semis 2nd set, Jan 19 – 4-cock finals 1st set; Jan 20 – 4-cock finals 2nd set at sa Jan 21 ang 4-cock grand finals (4.5 at 5 points).

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang timbang na may limit na 1.900-2.500 kgs, ay kailangang maisumite isang araw bago ang laban mula 2:00 ng hapon hanggang 8:00 ng hapon. Ang mga matchmakers ay sina Ace (0939-4724206); Louie (0906-1352874); at si Armin (0926-4000639).

Para sa may mga katanungan at kailangan ng dagdag na detalye, maaring makipag-ugnayan kay Ka Lando Luzong (0906-2026191) or kay Ms. Kate Villalon (0927-8419979)