Dumami ang opisyal ng gobyerno na sangkot sa ilegal na droga nitong 2016, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Umabot sa 219 na government official ang nasa listahan ng PDEA na tinatawag na “narco officials”.

Ayon kay PDEA Director General Isidro S. Lapeña, 88 na elected official, 95 na government employee at 36 na law enforcer ang hinuli ng ahensiya dahil sa kasong may kinalaman sa ipinagbabawal na droga.

Dalawa sa 88 elected officials ay municipal councilor habang ang natitira ay mga barangay chairman at barangay kagawad.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa mga law enforcer, ang may pinakamataas na posisyon ay may ranggong lieutenant colonel.

Mas mataas ang bilang ng narco officials ng 9 na porsiyento kaysa 201 na naitala noong 2015, sabi ni Lapeña.

“Ang bilang ng narco officials nitong 2016 ang pinakamataas simula noong 2011,” dagdag ni Lapeña.

Mula 2010 hanggang 2016 ay may kabuuang 842 opisyal ng pamahalaan ang inaresto dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (JUN FABON)