Inirekomenda ng Pasay City Prosecutors Office ang pagsasampa ng patung-patong na kaso laban sa mga indibiduwal na sangkot sa pag-isyu ng Philippine Passport sa mga dayuhan para sa hajj pilgrimage sa Saudi Arabia noong 2016.

Kasama sa pinakakasuhan ng paglabag sa Philippine Immigration Act of 1940, Philippine Passport Act, trafficking in

persons at estafa sina Secretary Yasmin Lao ng National Commission on Muslim Filipinos, NCMF Commissioner Salem Demuna, NCMF Chief Pilgrimage Operations Zainoden Usudan, at iba pang mga opisyal sa NCMF na sina Mamintal Cali, Gamal Hallong, Narodin Lamondot, Abang Marohomsalic, Udro Bantuas Sania Mangandog, Lawrence Dilangalen at dating empleyado sa DFA Passport Division na si Khalid Ali Mapandi.

Inabsuwelto naman ng prosecutors sa kaso ang 48 pang opisyal ng NCMF at DFA sa pangunguna nina Sawia Punut, Potre Alonto, Harimah Maruhon Viola Sarip, Sitti Divina Roxas at 43 pang respondent dahil sa kawalan ng sapat na batayan.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Nabuking ang modus operandi sa pag-iisyu ng hajj passport sa mga dayuhang nang maaresto sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang 177 Indonesian na patungo sana ng Medina, Saudi Arabia dahil sa pekeng travel document noong Agosto, 2016.

Nasundan pa ito ng pagkakadakip sa ilang Malaysian at isa pang grupo mga Indonesian noong Setyembre na gumamit din ng Philippine Passport sa kanilang biyahe para sa hajj. (Beth Camia)