Dalawa umanong miyembro ng “Akyat–Bahay” gang ang duguang bumulagta makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng Quezon City Police District, kahapon ng madaling araw.

Inilarawan ni Police Supt. Rogart Campo, hepe ng District Special Operation Unit (DSOU), ang hindi pa nakikilalang mga suspek na nasa edad 25 hanggang 30, 5’6” ang taas, kayumanggi, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng pulang t-shirt at itim na short pants habang ang kanyang kasama ay tinatayang 35-anyos, 5’7” ang taas, katamtaman ang pangangatawan at nakasuot ng itim na pantalon at puting t-shirt.

Ayon sa QCPD-CIDU, dakong 1:30 ng madaling araw nang maganap ang putukan sa pagitan ng mga operatiba ng DSOU at ng mga suspek sa may sa Blk. 52, Lot 1, Bristol Street, cor. Ronron St., North Fairview, Quezon City.

Makaraang makatanggap ng impormasyon na may mga umaaligid na dalawang lalaki sa isang carwash sa nasabing lugar, agad rumesponde ang mga operatiba ng DSOU.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Pagdating ng mga operatiba, agad nagpaputok ang mga suspek at nauwi sa mainitang engkuwentro na ikinasawi ng dalawang lalaki. (Jun Fabon)