Maaaring tumagal ng anim na taon ang idineklarang state of lawlessness sa bansa, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ng Pangulo na hindi niya aalisin ang deklarasyon hanggat hindi natatapos ang kampanya kontra sa ilegal na droga.

“Habang umiiral ang problema sa droga, hindi matitigil ang kriminalidad sa bansa, kaya masasabi ninyong magtatagal and deklarasyon hanggang sa huling araw ng aking termino,” ayon sa Pangulo.

Idineklara ni Duterte ang state of lawlessness noong Setyembre matapos ang pambobomba sa night market sa Davao City kung saan mahigit 15 katao ang nasawi.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Bagamat umiiral ang state of lawlessness, giniit ng Pangulo na wala siyang balak na suspendihin ang writ of habeas corpus.

Paliwanag niya, kailangan ang state of lawlessness para maipatawag ang militar at tumulong sa pulis para labanan ang ilegal na droga at iba pang uri ng kriminalidad. (Beth Camia)