TULAD ng kaganapan sa ibang collegiate league, samu’t-sari rin ang pagsubok na sinuong ng pinakamatandang collegiate league ng bansa -- ang National Collegiate Athletic Association (NCAA) Season 92 basketball tournament.

Ngunit, sa ating pagbabalik-tanaw, masasabing punong-puno ng emosyon ang pagbawi ng San Beda College sa titulo.

Sa pagkawala nina Ola Adeogun, Arth de la Cruz at Baser Amer na nadagdgan pa ng injury ng big man na si Donald Tankoua sa kalagitnaan ng torneo, marami ang nagduda sa kakayahan ng Red Lions bilang contender.

Bukod dito, nabura pa ng University of Perpetual Help ang kanilang taglay na twice-to-beat advantage sa Final Four round sa unang pagkakataon sa nakalipas na 10 taon.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Ngunit, lahat ay nagawang harapin ng Red Lions sa pangunguna nina Javee Mocon, Davon Potts at Robert Bolick hanggang sa mabawi nila ang titulo sa Letran sa pamamagitan ng pagwalis sa Arellano University at kay Jiovani Jalalon, ang itinuturing na pinakamahusay na collegiate guard sa kanyang henerasyon sa finals.

Bukod sa tagumpay ng Red Lions, hindi rin malilimutan ang pagwawagi ni Mapua big man Allwell Oraeme bilang back-to-back MVP.

Ni walang gaanong nakapansin sa muling pag-angat ni Oraeme dahil natuon ng husto ang pansin ng nakararami kina Jalalon at Letran skipper Rey Nambatac na siyang naunang mahigpit na magkaagaw sa karangalan.

Nagtala si Oraeme ng average na 15.8 puntos, 19.8 rebound, 2.3 block, at 2.2 assists sa pamumuno nito sa Mapua sa pagpasok ng Final Four bilang third seed.

Bukod dito, napanatili rin niya ang kanyang isa pang titulo bilang Defensive Player of the Year.

Liumikha rin ng ingay sa nakaraang NCAA basketball season sina Mike Nzeusseu ng Lyceum na tinanghal na Rookie of the Year.

Marami ang kumuwestiyon sa kanyang pagkapanalo dahil isa siyang transferee mula sa University of Visayas kung kaya hindi siya isang lehitimong rookie.

Nariyan din ang isa pang transferee galing ng Fatiima College na si Lervin Flores na nagging sentro ng depensa ng Chiefs sa shaded area gayundin ang dating La Salle Green Archer na si Bolick na nagkaroon ng malaking papel sa nagging kampeon ng Red Lions partikular sa pagpigil kay Jalalon.

Hindi rin maiiwasang balikan ang kabiguang natamo naman ng Jose Rizal University na isa sa mga paboritong papasok ng Final Four gayundin ang last year champion Letran at Emilio Aguinaldo College.

Bigong makabangon ang Heavy Bombers sa kanilang masamang simula habang hindi naman nasustina ng Knights ang ratsada.

Bagamat nabigyan ng pagkakataon kinapos naman sa kanilang kampanya ang EAC at Lyceum na parehas tumapos na may 6-10 kartada.

Parehas nila ang San Sebastian na pagkaraang bumangon mula sa 1-8 na marka sa first round ay hindi rin nagawang umabot sa Final Four matapos ipanalo ang pito sa siyam na laro sa second round.

Ang higit na nakapanlulumo ay ang 17 sunod na pagkatalo na naitala ng College of St. Benilde bago tinapos ang kanilang kampanya sa pamamagitan ng panalo.

Ngunit dahil sa kanilang masamang record, ito rin ang naging daan upang hindi na i-renew ang kontrata ng kanilang dating coach na si Gabby Velasco na kinalaunan ay pinalitan ni dating La Salle guard Tyrone Tang. (Marivic Awitan)