BAMBAN, Tarlac - Tatlong lalaki na pinaniniwalaang mga biktima ng summary execution ang natagpuan sa Roldan Salazar of Brooke Dale Farm sa Barangay Anupul sa bayang ito, kahapon ng umaga.

Sinabi ni PO2 Jovan Yalung na dalawa sa tatlong biktima ang nakilala sa mga ID na narekober sa kanila bilang sina John Glenn Libao, ng Mabalacat City, Pampanga; at Jonathan Tolentino, ng Angeles City, Pampanga.

Pawang nakapiring, nakagapos at may mga tama ng bala ng baril sa katawan, ang isa pang biktima ay edad 25-35, may taas na hanggang 5’6”, balingkinitan, at nakasuot ng pulang T-shirt.

Napag-alaman na nakarekober din ang mga imbestigador sa pinangyarihan ng insidente ng 11 basyo ng bala mula sa 45 caliber pistol. (Leandro Alborote)

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!