PEARL HARBOR, Hawaii (AP/AFP) — Sabay na bumisita sa Pearl Harbor ang mga lider ng Japan at United States noong Martes upang patunayan na kahit ang pinakamatinding magkalaban ay maaaring maging magkaalyado. Hindi humingi ng patawad si Prime Minister Shinzo Abe, ngunit inaming hindi na dapat ulitin ng Japan ang “horrors of war.”
Makalipas ang 75 ng pag-atake ng Japan sa Amerika na nagbunsod ng World War II, sinilip nina Abe at President Barack Obama ang kinakalawang na wreckage ng USS Arizona. Mahigit 1,000 U.S. war dead ang nalibing sa lumubog na barko.
Sinabi ni Obama kay Abe: “I welcome you here in the spirit of friendship. I hope that, together, we send a message to the world that there is more to be won in peace than in war, that reconciliation carries more rewards than retribution.’’