WALANG pagaalinlangan si Tim Cone sa kakayahan ni Japeth Aguilar bilang isang offensive player. At tulad ng ama, may kakayahan din si Japeth na makaiskor sa three-point area.

At sa isang pagkakataon, ipinamalas ng 6-foot-9 forward na may pulso siya sa rainbow country.

Nasopresa ang ilan, ngunit hindi ang mga tagahanga ng Ginebra Kings, higit si coach Cone.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Don’t forget that I coached his dad Peter, and Peter was like the best shooting big man I’ve ever seen,” pahayag ni Cone sa media interview matapos itarak ng Barangay Ginebra ang 86-79 panalo kontra sa Star Hotshots sa OPPO-PBA Philippine Cup elimination sa Araw ng Kapaskuhan sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Tila napagbigyan ni Santa ang hiling ni Japeth sa naitumpok na career-high 32 puntos, kabilang ang 5-of-5 sa three-point area.

“When I first saw Japeth, he shoots exactly with the same form and everything (as his father),” pagbabalik-tanaw ni Cone patungkol sa matandang Aguilar na naging player niya sa Alaska nang makamit ang unang kampeonato noong 1991 laban sa Ginebra.

“Japeth has great form and great ability to be that kind of player who can shoot shots like that,”aniya.

Inamin ni Cone na ginagawa ni Aguilar sa ensayo ang pagtira sa laban, ngunit hindi niya akalain na maisasakatuparan ito sa sitwasyong marami ang umaasang mananalo ang Kings.

“We’ve been encouraging him to shoot threes. That’s a huge weapon that maybe we can continue to use and develop as we go along,” ayon kay Cone.

Kung hanggang saan ito tatagal.

“Hopefully, we don’t live by it, but that’s a nice weapon to keep,” pahayag ni Cone.