GENEVA (AP) — Sa isa pang kontrobersyal na pagsusuri sa isyu ng doping sa Russian sports, ipinahayag ng International Olympic Committee na 28 atleta ng Russia ang iniimbestigahan dahil sa ipinagbabawal na gamot.
Ang mga atleta umano ay sumabak sa Sochi Winter Olympics at major cross-country skiing sa labas ng bansa.
Ayon sa IOC nitong Biyernes, isinasailalim na sa masusing imbestigasyon ang 28 atleta kung saan ang kanilang mga urise sample ay muling isinaillim sa pagsusuri.
Anim na atleta sa cross-country skies ay pinatawan na nang ‘provisional suspension’ ng International Ski Federation (FIS). Hindi pa kinikilala ng anim na atleta, kabilang ang gold medalist sa cross-country skiing on home snow at Sochi.
Iginiit ng IOC na 28 bagong kaso ang iniimbestigahan ng disciplinary commission “The manipulation of the samples themselves could lead to an Anti-Doping Rule Violation and sanctions.
Isinasailim sa re-tested ang samples na nagmula sa Russian athletes sa Sochi, ay nakatakdang gamitin ng WADA-accredited lab.