Sugatan ang isang helper matapos barilin sa puwet ng isang lalaki sa San Andres Bukid, Maynila, kahapon ng umaga.
Patuloy inoobserbahan sa ospital si Nikko Yson, 20, miyembro ng Batang City Jail at residente ng 1661 Estrada Street, San Andres Bukid, Maynila, matapos tamaan ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa puwet.
Samantala, tumakas naman ang suspek na kinilalang si Mel Mariz Patdu, 23, miyembro ng “Bahala Na” gang, residente ng 2525 Onyx St., San Andres Bukid.
Sa ulat ni PO3 Dominic De Jesus, ng Manila Police District (MPD)-Station 6, dakong 8:00 ng umaga ay nagluluto ang biktima sa loob ng isang junk shop na matatagpuan sa Estrada St., kanto ng Onyx St., San Andres Bukid, nang biglang pumasok ang suspek at hinahanap ang kanyang amo.
Sumagot naman umano Yson at sinabing wala pa ang amo ng suspek, ngunit habang nagsasalita ay sinuntok na umano siya nito kaya siya’y gumanti.
Nang matapos ang suntukan ay umalis na si Patdu at makalipas ang ilang minuto ay bumalik umano ito na armado ng baril at binaril si Yson. (Mary Ann Santiago)