Pagbabalik ng parusang bitay. Pagbaba sa minimum age of criminal responsibility (MACR). Charter Change (Cha-Cha).

Ilan lamang ito sa mga panukalang batas na nilalayon ng “Supermajority”, sa pamumuno ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban), sa House of Representatives (HOR) na pabilisin ang pagpasa sa 2017, ayon sa mga mambabatas ng oposisyon.

At sinabi ng isa sa mga mambabatas na ito, si Akbayan party-list Rep. Tom Villarin, na haharangin ng kanilang grupo ang mga nasabing panukalang batas.

“Cha-Cha, yun po ang gusto nila i-push next year,” sabi ni Villarin, miyembro ng “Magnificent Seven”.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Hinihimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Congress na buksan ang 1987 Constitution para sa mga pag-amyenda upang bigyang daan ang federalismo mula sa kasalukuyang unitary type ng gobyerno.

“So we are expecting first quarter of next year before summer break ipupuwersa na naman intong Cha-Cha,” sabi ng mambabatas.

Kasalukuyang nakabakasyon ang Kongreso at magbabalik ang sesyon sa Enero.

Bago ang recess, inakusahan din ng Magnificent Seven ang liderato ng House ng pagsisikap na brasuhin ang pagpasa ng mga panukalang batas kaugnay sa pagbabalik ng death penalty at pagbaba sa MACR, na parehong maiinit na isyu.

“This kind of approach by Congress..fast track and railroading...hindi ho ito tamang proseso,” diin ni Villarin.

“We will resist these approaches and the way Congress has been doing its work in terms of fastracking and railroading this legislation,” dagdag niya.

Ang mga mambabatas ng Supermajority na kaalyado ng Pangulo ay binubuo ng 300-miyembro ng HOR. Si House Speaker, Pantaleon Alvarez, ay kilalang kaibigan ni Duterte.

Ang opposition bloc ay binubuo lamang ng pitong mambabatas, karamihan ay mula sa dating namumunong Liberal Party (LP).

Mayroon mang Minority bloc ng 18 congressmen sa ilalim ni Quezon 3rd district Rep. Danilo Suarez, tanggap ng Magnificent Seven na ang mga ito ay “co-opted” Minority, o “the Supermajority’s Minority” lamang. (ELLSON QUISMORIO)