CAMP PRESIDENT QUIRINO, Ilocos Sur – Nakasamsam ang mga pulis at mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng 34 na malalaking bundle ng Marijuana fruiting tops na nagkakahalaga ng P1.7 milyon sa loob ng isang Tamaraw FX sa checkpoint operation sa Barangay Alilem Daya sa Alilem, Ilocos Sur, nitong Sabado.

Kinumpirma kahapon ni Senior Supt. Rey De Peralta, director ng Ilocos Sur Police Provincial Office, ang pagkakaaresto kay Marton Comot, 35, magsasaka, tubong Bakun, Benguet at residente ng Marcos Highway, Baguio City, makaraang maaktuhan sa pagbibiyahe ng high-grade marijuana plants.

Nakumpirma rin na isang drug surrenderer sa Baguio si Comot. (Freddie G. Lazaro)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?