Patay na nang matagpuan ang isang musikero sa loob ng inuupahan niyang kuwarto sa Malate, Maynila kamakalawa.
Base sa inisyal na imbestigasyon, nadiskubre ang bangkay ni Leonardo De Juan, 59, ng kanyang roommate na si Chrisropher Brian Ayuco.
Ayon kay PO3 Aldeen Legaspi, may hawak ng kaso, natagpuang patay sa kanyang kama si De Juan ngunit wala itong bakas sugat at dugo.
Sinabi ni Ayuco na huli niyang nakita si De Juan noong Biyernes, dakong 1:00 ng hapon. Nang sumunod na araw, dakong 6:00 ng umaga, sinubukan umanong silipin ni Ayuco ang biktima at nadatnan na nitong walang buhay.
Agad humingi ng tulong si Ayuco sa kanilang mga kasamahan at ini-report sa pulisya.
Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. (Analou De Vera)