BUTUAN CITY – Naramdaman ang serye ng pagyanig sa Siargao Island, Surigao del Norte kahapon, bisperas ng Pasko, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa isang panayam sa telepono, sinabi naman ni Surigao del Norte Gov. Sol F. Matugas, chairperson ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), na walang nasaktan o napinsala sa nasabing lindol.

Ayon sa Phivolcs, nasa magnitude 4.5 ang unang pagyanig dakong 12:09 ng umaga, na ang epicentre ay nasa 24 na kilometro sa hilaga-silangan ng bayan ng San Isidro at may lalim na 10 kilometro.

Bandang 1:35 ng umaga nang muling lumindol sa kaparehong lugar, may lakas na 4.3 magnitude, at mababaw sa lalim na anim na kilometro.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

Isa pang 4.3 magnitude na lindol ang naitala bandang 2:16 ng umaga at may lalim na siyam na kilometro, ayon sa Phivolcs.

Dakong 8:48 ng umaga nang maramdaman naman ang 4.0 magnitude na lindol sa San Isidro pa rin, sa lalim na siyam na kilometro. (Mike U. Crismundo)