BALER, Aurora – Inihayag ng Department of Public Works and Highways (DPWH)-Aurora na bukas na sa mga motorista ang Villa Bridge, na winasak ng magkakasunod na bagyo.

Ayon kay DPWH District Engineer Reynaldo Alconcel, sa tulong ng P134-milyon na konkretong tulay sa Maria Aurora ay aabutin na lang ng dalawang oras ang dating walong oras na biyahe sa lalawigan.

Nag-uugnay sa mga bayan ng Baler at Casiguran, taong 2004 nang mawasak ang Villa Bridge at pinalitan ito ng wooden bridge ngunit nasira rin sa matitinding bagyo. (Light A. Nolasco)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?