CLEVELAND (AP) – Hindi makalalaro si J.R. Smith ng 12 hanggang 14 na linggo matapos sumailalim sa surgery para maisayos ang nabaleng buto sa kanang hinlalaki, ayon sa ulat ng Cavaliers management nitong Sabado.

Natamo ng 13-year veteran ang injury nang makabanggaan si Milwaukee Bucks forward Giannis Antetokounmpo sa first half ng kanilang laro na pinagwagihan ng Cleveland nitong Martes.

Masalimuot ang kasalukuyang season para sa matikas na shooting guard na lumagda nang apat na taong kontrata sa Cavs sa halagang US$57 million.

Tangan niya ang averaged 8.6 puntos (second worst sa kanyang career) habang nagtala ng 33.7 percent sa field goal (worst shooting percentage).

Karl Eldrew Yulo, pamilya raw pinakamagandang regalong natanggap

Inaasahang magbabalik aksiyon si Smith bago magsimula ang playoff sa Abril.

Bunsod nito, ipinalit pansamantala ng Cavs si DeAndre Liggins sa starting lineup.

“We’re going to miss J.R., his effort on defense, his tough shot making,’’ pahayag ni Cavs coach Tyronn Lue.

“But it’s no excuses for us. It’s next man up, and we’ve got to be ready to play. We’ve got to do it by committee. I think our guys are ready to step up to the challenge.’’