BALER, Aurora – Upang mapabilis ang paggagawad ng hustisya, umaapela sa Department of Justice (DoJ) at Supreme Court (SC) ang Provincial Prosecutor ng Aurora na magtalaga ng regular na mga prosecutor at hukom sa lalawigan para mapabilis ang paglilitis sa sangkaterbang kaso sa mga lokal na korte.

Ayon kay Atty. Jobert Reyes, hindi kayang hawakan ng mga temporary prosecutor at judge ang halos 1,000 volume ng iba’t ibang kaso na nakabimbin sa Municipal Trial Court (MTC) at Regional Trial Courts (RTC) sa Aurora.

Aniya, pangunahing dahilan sa napakabagal na paggulong ng hustisya sa Aurora ang kawalan ng regular na prosecutor at hukom na maglilitis sa mga kaso.

Bukod dito, kulang din ang mga pribadong abogado sa probinsiya. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!