NAKATSIKAHAN namin ang ilang executives ng isang TV network at napag-usapan namin ang mga artistang gustong lumipat sa kanila at ‘yung ibang nakalipat na.

Hindi pala lahat ng mga artistang lumipat ay gusto nila dahil nakatrabaho na rin nila noon pa.

Tulad ng kilalang TV host/actor/singer na panay ang padala ng feelers ng kampo pero dedma sila dahil ayaw na ayaw nilang makasama o makatrabaho.

“Mahirap makatrabaho ang may attitude, Reggee, kasi buong show magsa-suffer. Ikaw ba gusto mong may makasama kang hindi maayos, hassle, di ba?

‘Naba-bash tuloy ako!’ Vice Ganda, pinatigigil mga nanawagang tumakbo siya sa eleksyon

“Hindi naman kinukuwestiyon dito ang talent o galing mo. Totoong magaling, pero kung ang ugali, eh, bagsak, ano na?

Kaya mas gusto na lang naming mag-develop ng baguhan na eventually matututo at mahahasa nang husto kaysa sa magaling nga, may ugali naman,” paliwanag ng TV exec na hinahangaan sa industriya dahil halos lahat ng programa ay magaganda at malalaki.

Nakakapanghinayang ang TV host/actor/singer dahil magaling talaga sana, pero bakit nga ba hindi na siya nagbago ng ugali? Mangangakong magbabago, pero hindi pa rin naman pala. (Reggee Bonoan)