HINDI magmamadaling bumalik ng Pilipinas si Tom Rodriguez na nasa Huma, Arizona na ngayon kapiling ang magulang. Espesyal ang pagdalaw ng aktor ngayon para sa amang inoperahan sa lung cancer. Dumating bagong ang Pasko at mananatili roon si Tom hanggang New Year.

Tinapos muna niya ang taping ng teleseryeng Someone To Watch Over Me na magtatapos sa January 6, 2017. Puno ng iyakan at napakalungkot ng mga eksena sa last taping day. Kaya kung sa mga nagdaang episode ay umiyak lang ang viewers, sa final episode, tiyak na may mga hahagulhol sa napakalungkot na ending.

“Every role I felt challenged, bias ako rito. Very challenging ang role ni TJ Chavez, emotionally and physically challenging. But I learned so much from this project. Bumilib ako lalo sa character ni Joanna (Lovi Poe), masyado siyang selfless at bigla kong na-realize na kung mahirap sa pasyente, mas mahirap sa family at sa nag-aalaga sa may Alzheimer’s disease. Kailangan ang mahabang pasensiya,” sabi ni Tom.

Masaya ang aktor sa mainit na pagtanggap ng viewers sa Someone To Watch Over Me at sa katotohanan na marami ang naging aware sa Alzheimer’s disease.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Proud siya na maraming bagong kaalaman silang naihatid sa mga manonood lalo na sa wala pang kaalaman tungkol sa nasabing sakit.

Samantala, hindi malungkot ang Pasko at Bagong Taon ni Tom kahit wala siya sa Pilipinas dahil susunod sa kanya sa Huma, Arizona ang girlfriend niyang si Carla Abellana.

Aalis si Carla sa December 28 at sabay na siguro silang babalik ng bansa sa first week ng January 2017.

(NITZ MIRALLES)