Maghaharap sa unang pagkakataon na inaasahang bubuhay muli sa pagiging magkaribal ng Cleveland at Golden State na eksaktong natapat sa salpukan sa Christmas Day matapos ang naganap na sagupaan sa dalawang NBA heavyweights kung saan nagwagi ang Cavaliers’ sa epiko na ikapitong laro na panalo kontra sa Warriors sa nakaraang NBA Finals.

Kapwa nanatili ang dalawang koponan sa kalidad sa kani-kanilang kinaaanibang komperensiya, na inaasahan na magbibigay sa “holiday showdown” sa Cleveland hindi lamang isang pagbabalik sa kanilang huling dalawang NBA championship series kundi pati na rin sa posibleng preview ng inaasam na ikatlong sunod na duwelo sa titulo sa pagitan ng dalawang koponan.

“It’s going to be an electric atmosphere,” pagsisiguro ni Golden State forward Kevin Durant, na nasama sa koponan bilang free agent mula Oklahoma City matapos na ang 2015 champion Warriors ay nakita ang Cavs na umahon pabalik mula sa 3-1 deficit sa nakaraang finals noong Hunyo upang ibigay sa siyudad ang una nitong pinakamalaking sporting title sa nakalipas na 52 taon.

Ipinakita ni four-time NBA Most Valuable Player LeBron James ang isa sa kanyang NBA’s greatest one-man effort upang pamunuan ang Cleveland sa pinakamalaking pag-ahon sa kasaysayan ng NBA finals, sa pagtala ng average na 29.7 points, 11.3 rebounds, 8.9 assists, 2.3 blocked shots at 2.6 steals kada laro.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Si Lebron din ang naging unang player na nanguna sa finals sa kada kategorya.

Isang senyales naman na nagawa ng Warriors talunin ang Cavaliers sa kanilang paghaharap sa regular-season bago nabigo sa Finals upang mapagmasdan ang laro at ang ikalawang paghaharap ng dalawa sa Oakland sa Enero.