SAMSUN, Turkey – Nakopo ng France ang FIBA Under-18 European Championship matapos gapiin ang Lithuania, 75-68, nitong Huwebes (Biyernes sa Manila).
Nakumpleto ng French ang makasaysayang titulo sa impresibong ‘sweep’. Ito ang ikalawang gintong medalya para sa koponan na nagtagumpay din sa FIBA Under-16 European title noong 2014.
Nanguna sa France s Frank Ntilikina, kumana ng 7-of-10 sa three-point tungo sa game-high 31 puntos. Nanguna si Arnoldas Kulboka sa Lithuania sa natipang 28 puntos.
Tinanghal na MVP si Ntilikina na may averaged 15.2 puntos at 4.5 assist kada laro, kabilang ang impresibong 23 puntos, siyam na assist at apat na rebound sa panalo kontra Italy sa semifinal.
Nakasama niya sa Mythical Five ang kasanggang si Sekou Doumbouya, Tadas Sedekerskis ng Lithuania, German big man Isaiah Hartenstein at Italian captain Davide Moretti.
Nakopo ng Italy ang ikatlong puwesto nang gapiin ang Germany, 74-68.