Pinaalalahanan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko na mag-ingat sa pekeng pera na inaasahang kakalat ngayong Pasko.

Ayon sa BSP, sa bawat isang milyong authentic paper bills na nasa sirkulasyon, 11 sa mga ito ay peke.

Ngunit iginiit ng tanggapan na hindi sapat ang inaasahang pagkalat ng pekeng pera para makaapekto sa ekonomiya ng bansa.

Babala ng BSP, ugaliing busisiin ang mahahawakang paper bills tulad ng watermark, serial number na dapat ay hindi magkakapareho ang sukat, gayundin ang security thread.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

Kaugnay nito, nakikipag-ugnayan na umano ang BSP sa Kongreso para pag-aralan ang pagpapataw ng multa sa mga sindikatong mahuhuling nag-iimprenta at nagpapakalat ng mga pekeng pera. (Beth Camia)