Isang knockout artist na tubong Bacolod City, Negros Occidental ang bagong super featherweight champion ng Pilipinas sa katauhan ng 22-anyos na si Allan “El Matador” Vallespin.

Tinalo ni Vallespin sa 12-round unanimous decision ang dating kampeon ng Games and Amusement Board (GAB) na si Warren “Braveheart” Mambuanag sa mga iskor na 114-113, 115-112 at 116-111 nitong Disyembre 15 sa Mall of Asia, Pasay City para maisuot ang kanyang unang championship belt.

Naging maaksiyon ang laban ng dalawang boksingero sa kabuuan ng laban pero nanaig si Vallespin sa mas beteranong si Mambuanag na 23-anyos lamang at tubong Santiago, Agusan del Norte.

Sa pagwawagi, inaasahang papasok sa ranking at magkakaroon ng tyansa si Vallespin sa kampeonato ng Orient Pacific Boxing Federation (OPBF) na kinikilala ng World Boxing Council (WBC) at hawak ngayon ni Masayuki Ito ng Japan.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Napaganda ni Vallespin ang kanyang rekord sa perpektong 9-0, kabilang ang walo sa knockout, samantalang bumagsak ang kartada ni Mambuanag sa 10-7-2. (Gilbert Espeña)