CAMP DANGWA, Benguet – Inaresto ng mga operatiba ng Kalinga Police Provincial Office (PPO) ang tatlong katao dahil sa pag-iingat ng shabu, baril at mga bala sa pagpapatupad ng pulisya ng apat na search warrant sa Tabuk City, Kalinga, nitong Miyerkules ng umaga.

Ayon kay Senior Supt. Brent Madjaco, OIC ng Kalinga PPO, na sa pamamagitan ng apat na search warrant ay naaresto si Froilan Agyao Baguiwan, 32, ng Tabuk City, sa pag-iingat ng dalawang plastic sachet na may hinihinalang shabu, tatlong bala ng .22 caliber revolver at apat na basyong bala nito.

Nadakip din sina John Bon-As Bocad sa pag-iingat ng pitong sachet ng hinihinalang shabu, dalawang bala ng .30 caliber at isang .45 caliber pistol na may mga bala; at Jimmy Ballong ng Batang-Ay, 36, ng Tabuk City, Kalinga, na nakumpiskahan ng isang heat-sealed sachet na may hinihinalang shabu, drug paraphernalia, P13,600 cash at dalawang cell phone. (Rizaldy Comanda)

Probinsya

Dahil sa 5.8-magnitude na lindol: Kalsada sa Liloan, Southern Leyte, nagkabitak-bitak!