SI Sue Ramirez na ang napili ng mga kasapi ng Korean Tourism Organization (KTO) na ipalit kay Jessy Mendiola bilang bagong Korean tourism ambassador.

Wala raw namang naging problema ang KTO tatlong taong pagiging ambassador ni Jessy dahil nagawa naman nitong maayos ang kanyang obligasyon sa loob ng tatlong taon.

Happy naman si Sue dahil matutupad na ang pangarap niyang makarating sa Korea.

“I’m truly fortunate dahil sa rami ng mga artista, ako ang napili nila to be the honorary ambassador for Korea tourism dito sa Pilipinas,” sabi ng magandang young actress na excited nang gampanan ang kanyang obligasyon.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Sobrang blessed ang pakiramdam at sobrang excite na ako sa kailangan kong gawin. I promise to give my best to be a great ambassadress for Korean tourism,” aniya pa.

Kagaya ni Jessy ay tatlong taon din ang magiging termino ni Sue bilang ambassador for Korean tourism sa Pilipinas.

Kaya hanggang 2018 ang gagampanan niyang tungkulin.

“Hindi naman mapapalitan si Jessy. Siguro, something new, something different at magkaiba kaming tao. Kung ano ang na-offer ni Ate Jessy, I’m sure talagang satisfied ang mga taga-Korean Tourism Organization,” lahad pa ni Sue.

Hindi raw niya bibiguin ang KTO sa anumang responsibilidad na inaasahan sa kanya ng mga ito.

“Siguro, something new lang at nandito naman ako para sa offer nilang ‘yun,” sey pa ni Sue. (Jimi Escala)