PASKO na naman, at lahat ay abala sa paglilibot para makapamili ng mga regalo at handa, gayundin ang magbakasyon sa lalawigan.

Sa dami ng mga nagaganap sa Christmas season, tumataas din ang posibilidad ng mga aksidente sa kalsadahan.

Para makaiwas sa disgrasya at abala, mainam na talikdan ang ilang road safety tips mula kay Magnus Mateo, Road Safety Vice Chairman ng Motorcycle Development Program Participants Association, Inc. (MDPPA), isang samahan ng mga motorcycle manufacturers na kabilang ang Honda, Kawasaki, Suzuki, Yamaha, at Kymco.

Narito ang kanyang mga tip:

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

1. Focus sa pagmamaneho:

Talagang nakaka-excite ang Pasko na panahon ng maraming party, shopping escapades, at ang matagal nang inaantay na Christmas bonus. Pero huwag hayaang ma-distract sa mga ito tuwing nagmamaneho. Dapat wala talagang kaagaw ang atensyon upang ligtas na makarating sa destinasyon. “Ang tendency ng karamihan, hindi na naka-focus sa driving dahil maraming nasa isip,” ani Mateo.

2. Panatilihin ang kalusugan:

Kahit ang pinakamahal na motorsiklo ay hindi maliligtas ang motoristang inatake sa puso, bahagi ni Mateo. Kaya kinakailangang pangalagaan ang kalusugan. Maaaring makaapekto sa paningin at sense of road awareness ang ilang karamdaman. “Pati nga constipation,” aniya.

3. Huwag magmaneho ng lasing:

Maaaring maging sanhi ng pagkamanhid, blurred vision, mabagal na reaksyon, at disorientedness ang pag-inom ng alak. Kung wala ka sa tamang wisyo sa pagmaneho, huwag nang pilitin mag-drive. At kahit na hindi lasing ang nagmamaneho, kailangan pa ring maging alerto sa pag-iwas sa ibang motorista at pedestrian na maaaring lasing.

4. Maintenance:

Hindi nirerekomenda ang pagmo-modify ng motorsiklo dahil maaaring magkaroon ng mga hindi inaasahan na response ang motorsiklo. “Nagco-conduct ng malawakang pagre-research ang mga manufacturers para makuha ng tama ang mga specs kaya iwasang gumawa ng modifications pa,” ayon kay Mateo.

Hinihikayat niya ang mga motorista na regular na magpalit ng krudo at filter, na nakasaad din sa owner’s manual. Dapat ay may daily visual inspection upang ma-check ang mga leaks, kundisyon ng mga gulong, brakes, pedal/lever, at signaling & head light devices. Kailangang mag-ingat din ang mga motorista sa electrical malfunctioning.

5 Umangkop sa Panahon:

Ano nga ba ang dapat gawin ng mga riders kapag umulan? Dapat dahan-dahan lang sa pagmaneho at umiwas sa hard breaking. “Pinakamadulas ang kalye tuwing bagong ulan dahil ang mga layer ng alikabok at oil ay hindi pa nahuhugasan,” paliwanag niya.

6. Road rage:

Iwasan ang road rage o ang pag-init ng ulo sa kalsada. Ang matinding pag-init ng ulo ay madalas na nauuwi sa pabayang pagmaneho, kakulangan sa atensyon, at pakikipag-away sa kapwa motorista o mga pedestrian, na nagiging sanhi ng aksidente.

7. Planuhin ang pamamasyal

Hindi lang ito makakatipid sa oras, effort, at krudo, makakatulong din ito sa pagbawas ng traffic congestion at carbon emission.

Huwag hayaang i-spoil ng mga aksidente ang masayang pagdiriwang ng Pasko. Sundin ang mga tips na ito para sa mas maginhawa at masayang holiday season! At tandaan na dapat i-practice ang road safety araw-araw at hindi lamang tuwing Kapaskuhan.