Muling nagpaalala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko, kabilang na ang mga overseas Filipino worker (OFW), na papalitan na ang mga hawak nilang lumang banknotes o ang mga perang papel na may lumang disenyo bago matapos ang taon.

Kabilang sa masasabing mga lumang disenyo ng pera ang P5, P10, P20, P50, P100, P200, P500 at P,1000 bills.

Matatandaang Enero ngayong taon nang ihayag ng BSP na mawawalan na ng halaga ang mga lumang perang papel.

Sinabi naman ng BSP deputy director for currency issue and integrity na si Maja Gratia Malic na walang minimum amount ang puwedeng ipalit at wala ring dagdag na singil ang mga bangko.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang mga OFW naman na hindi makakapagpalit sa takdang panahon ay maaaring magpatala online sa BSP website (https://orbs.bsp.gov.ph) hanggang sa katapusan ng Disyembre, at binigyan sila ng isang taon mula sa registration date para makapagpapalit, ngunit hanggang P50,000 lamang ang puwede nilang papalitan.

Dagdag pa ni Malic, kailangan nang palitan ang disenyo ng pera upang makasunod sa mga bagong teknolohiya na makatutulong upang maiwasan ang pamemeke sa mga ito.

Samantala, inilabas na sa publiko kahapon ang mga bagong pera na may pirma ni Pangulong Duterte. (Margarett Tumale)