PAGBIBIGAY kasiyahan sa mga batang may karamdaman ang isinakatuparan nina Jr. NBA Philippines All-Stars Jarrell Lim (2011) at Tyler Tio (2013) sa Pediatric Ward ng Philippine Heart Center (PHC) nitong weekend.

Namigay ng regalo at pagkain ang dalawang player bilang bahagi ng programa ng NBA Cares. Sinamahan ang dalawa ni Jr. NBA Coach Ruben Lanot at staff ng Larc&Asset PR.

Personal na binisita ng future PBA player ang mga bata na nakaratay sa pagamutan sa mahabang panahon bago ibahagi ang pagmamahal at diwa ng Kapaskuhan.

Ayon kay PHC Chief Nurse Raquel Tejada, ang naturang kaganapan ay nagdudulot ng positibong pananaw sa mga bata, gayundin sa kanilang mga magulang at mahal sa buhay.

Basketbolistang lumabag sa 'anti-drug program' ng NBA, suspendido ng 25 games, lugi rin ng ₱690M!

“We will definitely be back next year and would like to involve more Jr. NBA players in this simple but meaningful endeavor. The Jr. NBA is all about inspiring kids and reaching out to children who need cheering up the most is definitely part of our definition as NBA goodwill ambassadors,” pahayag ni Lim, miyembro ng UP Fighting Maroons.