SACRAMENTO, California (AP) — Pinagmulta ng Sacramento Kings management ang pikuning si DeMarcus Cousins bunsod nang pang-aaway sa isang reporter.
Pormal na ibinaba ng Kings ang multa sa isang press statement nitong Martes (Miyerkules sa Manila).
Ayon sa media statement ni Cousins, nagkamali siya ng pagkakataon para komprontahin si Sacramento Bee columnist Andy Furillo bunsod nang artikulong isinulat nito hinggil sa gusot na kinasangkutan nila ng nakababatang kapatid na si Jaleel sa isang nightclub.
Batay sa ulat ng Sacramento Bee, tumataginting na US$50,000 ang multa ni Cousins. Wala namang suspensiyon na ibinigay sa player.
Sa kanilang pagkikita nitong Disyembre 12 sa Los Angeles, kinompronta ni Cousins si Furillo at binigayan ng ‘dirty finger’ sa mukha.
“I’m fiercely protective of my friends and family, and I let my emotions get the best of me in the situation,” pahayag ni Cousins.
Huminge rin siya ng paumanhin sa kanyang teammate at mga tagahanga, gayundin sa mga opisyal ng Kings. Hindi naman siya humingi ng paumanhin kay Furillo.