Binawi kahapon ng Department of Agriculture (DA) ang aabot sa 145 na ektaryang lupain mula sa Lapanday Foods Corp.(LFC), isang kumpanyang nag-e-export ng saging.

Ang naturang lupain ay pormal nang ipinamahagi kahapon ng DA sa 159 na magsasaka mula sa Madaum Agrarian Reform Beneficiaries Association, Inc. (Marbai) sa Barangay Madaum, Tagum City.

Ang pamamahagi ng lupain ay kasunod ng pagsisilbi ng kagawaran ng cease-and-desist order (CDO) laban sa LFC, na binantayan ng mga pulis at sundalo.

“The CDO directs Lapanday to desist from interfering with your operations inside your claimed area,” saad sa bahagi ng CDO na binasa ni Adelaido Caminade, sheriff ng Department of Agrarian Reform (DAR)-Southern Mindanao, sa harap ng aabot sa 1,000 agrarian reform beneficiary.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Naging laman ng mga balita ang nabanggit na lupain sa nakalipas na mga araw makaraang pagbabarilin umano ng mga security guard ng kumpanya ang mga magsasaka sa nasabing plantasyon sa Bgy. Madaum. (Rommel P. Tabbad)