Ang Simbang Gabi ay hindi para sa ikatutupad ng mga kahilingan, ayon sa isang pari.
Ito ang naging paalala ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo sa mga mananampalataya na kumukumpleto ng Simbang Gabi.
“Completing the nine days of Simbang Gabi is not for their wishes to be granted. That is a wrong belief. That is not what going to the Simbang Gabi is for,” pahayag ni Pabillo sa isang panayam.
Ipinaliwanag ni Pabillo na ang layunin ng Simbang Gabi ay maihanda ang bawat isa sa kapanganakan ni Kristo, na ipinagdiriwang tuwing Disyembre 25.
“The nine days of praying is part of the preparation for the big feast of Christmas. For the formation of the faith and thanking God for His generosity,” aniya.
“The nine days (of going to Mass) is a manifestation of the people’s persistence. Imagine you will wake up early for nine straight mornings... It is a sign of your love of God,” dagdag ni Pabillo.
Hiling ng pari na maituwid ang maling paniniwala sa Simbang Gabi.
“The priests should explain this in their homilies in order to correct the people’s thinking,” ayon kay Pabillo.
(Leslie Ann G. Aquino)