SINANDIGAN ng freelance photographer na si Yasmine Tabalingcos ang libreng pagtuturo ng Zumba upang makaiwas sa bisyong kadikit sa kanyang trabaho at tanghalin na kampeon sa ginanap na 2016 Philippine Sports Commission (PSC) Laro’t-Saya sa Parke Culmination Activity sa Burnham Green ng Luneta Park Linggo ng umaga.

“Good influence po ang zumbathon kumpara sa madalas na pag-inom at magparty na malakas makapagpataba at magpahina sa katawan. Hindi pa po dito magastos at maganda pa sa katawan at physical fitness tapos libre po dito saka meron pa na pakontes,” sabi ng 24-anyos na si Tabalingcos mula sa Diliman, Quezon City.

Tinalo ni Tabalingcos ang kabuuang 257 na sumali sa taunang zumbathon tungo sa pag-uwi sa P1,000 premyo sa 18-40 female category. Kasama nito nagkampeon sina Edmon Paral sa Male 40-60 years old, Rachelle Vergara sa Female 40-60 years old at ang back-to-back champ na si Ramilo Oliva sa 18-40 years old.

Pumangalawa naman sa dalawang kategorya sina Edgardo Mabbanta, Maco Bambilla, Melani Cuevas at Jasmin Villanueva habang pumangatlo sina Yenyen Pino, Fedrick Enriquez at Chiqui Villa.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nagkampeon naman sa football ang White Team habang 1st runner-up ang Red, 2nd runner-up ang Green at 3rd runner-up ang Orange.

Nagwagi sa Badminton (Advance Boys) si Byron Bautista champion habang ikalawa at ikatlo sina Henaro Martinez at Joseph Recesio. Nanalo sa Beginners si Alvin Britanico kasunod sina Alvin Condole at Jonathan Wahas. Kampeon sa Girls si Lechelle Gabriel habang runner-up sina Angela Cabiles at Vanessa Cadir.

Kampeon sa volleyball ang Team Barbie kasunod ang Team Malala at Team Barbie G. Samantala, umabot sa kabuuang 474 katao ang sumabak sa isinagawang panghuling aktibidad sa taon ng family-oriented at community physical fitness development program ng ahensiya na may 11 sa arnis, 61 sa badminton, 84 sa football, 5 sa karatedo, 24 sa lawn tennis, 28 sa volleyball, 4 zumba senior at 257 sa Zumba. (Angie Oredo)