RATSADA ang De La Salle-Zobel sa second half upang mapayukod ang season host University of Santo Tomas, 4-1, at kumpletuhin ang first round sweep ng UAAP Season 79 juniors football tournament nitong Sabado sa Moro Lorenzo Field sa Quezon City.

Pinangunahan ni Marco Ibana ang atake ng Junior Archers upang makabangon mula sa isang goal na pagkakaiwan sanhi ng kabiguang umiskor noong first half para makopo ang panalo na nagbigay sa kanila ng kabuuang 9 na puntos upang manatiling nangingibabaw.

Sa iba pang laro, umiskor si Chester Pabualan upang pamunuan ang defending champion Far Eastern University-Diliman sa paggapi sa Ateneo, 4-0,para manatiling nasa ikalawang puwesto taglay ang 6 na puntos.

Pagkaraang itabla ni Ibana ang laban sa ika-51 minuto, ibinigay niya ang bentahe sa Junior Archers matapos muling maka-goal sa ika-53 minuto.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

Kasunod nito, dalawa pang goal ang ipinasok nina Miguel Basmayor (66th minute) at Sherwin Basidanan(76th) habang hindi na nila pinaporma ang Tiger Cubs para selyuhan ang panalo.

Dahil sa pagkabigo, nanatili ang Tiger Cubs na katabla ng Blue Eaglets na may tig- isang puntos. Ang nag- iisang umiskor ng goal para sa Tiger Cubs at si Rojim Catap sa ika-9 na minuto. Magkakaroon ng break ang torneo para sa holiday season at muling magpapatuloy sa Enero 14. (Marivic Awitan)