WELLINGTON, New Zealand (AP) — Aksidenteng nadaganan ng karibal na kabayo ang isang babaeng New Zealand jockey na ikinasawi nito sa bibihirang tagpo sa ikinagulat at ikinalungkot ng horse racing aficionados.
Sakay si Rebecca Black, 39-taong ina ng tatlong bata, ng kabayong Point Proven, nang aksidente itong matumba dahilan para mahulog si Black . Nadaganan siya ng kasunod na kabayong Misscattlecreek na natumba rin dahil sa insidente.
Himala namang nakaligtas ang sakay nitong jockey.
Ang karera ay ikawalo sa nakalinyang programa sa Tapanui Racing Club meeting. Kabilang ang kanyang mga anak sa crowd nang maganap ang insidente.
Ayon sa paunang ulat ng Police at paramedics na kaagad na sumaklolo sa biktima, namatay ang jockey sa mismong lugar ng insidente bunsod ng injuries sa ulo at katawan. Sinabi ng New Zealand Police spokesman na nagsasagwa na sila ng imbstigasyon hingil sa insidente.
Noong 2003, nagtamo ng injury sa leeg at ulo si Black nang mahulog sa sinasakyang kabayo sa Trackwork. Nagbalik siya sa karera noong 2010 at nagwagi ng 108 sa 1,264 race.