Naging daan para maabot ng sari-sari store owner na si Jazz Pablo Villanueva makamit ang kanyang pangarap habang pinatunayan ni Ricardo Montecillo na posible ang nais niyang maging dance instructor sa pagwawagi sa culmination activity ng PSC Laro’t-Saya sa Parke, PLAY ‘N LEARN na Zumbathon sa Pinaglabanan Shrine sa San Juan City.

Ina sa dalawang babae mula Brgy Obrero, Quezon City, tinalo ng 37-anyos na Villanueva ang mahigit na 100 iba pa na kasali sa aktibidad na inoorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC) bilang family-oriented at community physical fitness development program ng ahensiya ng sports sa bansa.

“Marami kasi ang nagsasabi sa akin na tumataba ako kaya naisipan ko na mag-zumba para pumayat ako and also to gain more friends. Hindi ko akalain na mananalo ako dito sa zumbathon ng PSC,” sabi ni Villanueva na nagwagi sa tampok na female 18-40 category.

Pumangalawa kay Villanueva na nag-uwi ng premyong P1,000 piso ang dating kampeon na si Churchil Ocante na nagkasya sa P750 premyo habang ikatlo si Liz Navidad na may P500 insentibo.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Iniuwi din ni Montecillo ang premyong P1,000 piso habang P750 sa pumangalawa na si Michael Poblete.

Muli naman nagwagi sa espesyal na Male 41-60 category si Noel Adufina habang ikalawa si Mark Pelayo at ikatlo si Dino Dimaano. Napunta ang titulo sa Female 41-60 division kay Marites Generao habang ikalawa si Yenyen Pino at ikatlo si Margie Chua.

Nagwagi sa Badminton Male Advance division si Christian Bocanegra habang ikalawa si Marvin Redeña at ikatlo si Joel Llanera. Tinanghal na kampeon sa Beginners si Mark Anthony Racelis habang ikalawa si George Mofar at Lean Angelo Bonifacio.

Nanalo naman sa Female Advance si Jasmin Jill Dumasig habang ikalawa si Mary Ann Sabit at ikatlo si Loiusse Joy Perono. Nagkampeon sa Female Beginners si Mary Christian Reign Decada habang ikalawa si Shawnia Klein Banan at ikatlo si Daniella Acle.

Nakapag-uwi naman ng special prizes bilang Face of the Day si Marjollie Sta. Barbara mula sa Sta. Mesa, Manila at Wackiest Dancer si Dino Dimaano na mula mismo sa San Juan.

Tinanghal na kampeon sa mixed volleyball ang Team SB habang ikalawa ang Team BVA at ikatlo ang Team Pasnia - Angie Oredo